Linggo, Hulyo 17, 2011

Akong Makata

Akong Makata, patay sa ngayon,
Sadyang pinili ko nang tumiwalag sa mga ilusiyon,
Mabubuhay nang patay, mamamatay nang buhay,
Sasalungat nang 'di man lamang nakikita ng kaaway.

Akong Makata, sawi sa pag-ibig,
Dagdag krus sa pasaning pandaigdig,
Hangari'y ko'y mapasaya ka, habang may-buhay,
Ngunit napako na ito sa realidad ng buhay.

Akong Makata, sinira ko na ang aking buhay,
Tiyak na mas matimbang ang sakit at lumbay,
Kung perpekto ang tingin mo sa mundo'y 'wag sa'kin lilingon,
Puputukin ang lobo, isasampal sa 'yo, babasagin ang 'yong ilusyon.

Akong Makata, patay sa ngayon,
Mabubuhay magmuli sa puso ng nasyon,
Sakripisyong handog ko ang buhay ng kinamumuhian,
Handog ko sa mundong ako'y malilimutan.

'Sang Makatang puno ng galit at sakit,
Alay sa Inang Bayang sa akin ay nagmalasakit,
Siyempre, sa'yo na 'di nakakakilala sa akin,
Nakasalubong mo kahapong 'di man lang pinansin.

Uukitin ang mundo gamit ang mga letra't kataga,
Nawa'y paglipas ng panahon ako'y maalala nga,
'Sang Makatang sawi na sa iyo'y nag-aruga,
Gamit ang buhay ko bilang isang Makata.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento